(Philippines)
Aksaicultura ay isang asosasyon na nag-papaangat ng pakikipagpalitang kultura ng Italya at Kazakhstan. Ito ay isang programa ng organisasyon na walang hinihinging kapalit na halaga ,ang kanilang himpilan ay nakatalaga sa Lodi, via Raffaelo n. 7/B
“ASSOCIAZIONE AKSAICULTURA”
At ito ay napangalanan, at kontrolado ayon sa sistema ng batas ng Italya bilang N. 383 at ipinaalam sa publiko noong Disyembre 2000.
Ang asosasyon, ayon sa paliwanag ng kanyang batas, ay binuo noong Nobyembre 2004 at ito ay opisyal na narehistro sa Lodi Public Record Office (Italy), C.F. association N. -92544800151. Aksaicultura ay may kakayahan para bumuo ng sangay sa Italya at sa ibang Bansa upang palawigin ito ayon sa pinakamabuting hangarin: “Ang pagpapasibol ng kultura ng Kazakhstan sa Italya gayundin ang kultura ng Italya sa Kazakhstan”.
Ang nagnanais na sumapi sa asosasyong Aksaicultura ay bukas para sa lahat ng may kagustuhang maging kasapi, ito ay may nakalaan lamang na 20euro para sa taonang pagiging miyembro. Ito ay maaring bayaran sa numerong postal pangkoreyo na nakasaad (Kasalukuyan numero No. 64869704)
ANG AMING LAYUNIN
Ang mithiin ng asosasyon ay upang magpalaganap at magbigay ng suporta para maipatupad ang layuning pakikipagpalitang kultura ng dalawang bansa kasama na rin ang pagtulong hingil sa libreng pagpapaaral at iba pang uri ng suporta. Isa sa kasalukuyang sentrong pakay ng asosasyong Aksaicultura ay magtalaga ng libreng pagpapaaral para sa mga studyante ng Aksai at Atyrau dito sa Kazakhstan. Si Palazzo Malvisi ng Paaralang Bagno di Romagna ay kasapi sa espesyal na proyektong ito. Ito ay hakbang sa paghahandog sa bansang Italya para sa pag-aaral ng kanilang wika.